NCR mananatili sa Alert Level 1
MANILA, Philippines — Mananatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 47 iba pang lugar sa bansa hanggang Marso 31.
Ayon sa Inter-Agency Task Force, na bukod sa NCR, Alert Level 1 rin sa Luzon ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela at Quirino; Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; at Region V: Naga City and Catanduanes.
Samantala, sa Visayas, nasa Alert Level 1 na rin sa Region VI ang Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City; Region VII: Cebu City at Siquijor; at Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.
Inilagay naman sa Mindanao sa Alert Level 1 ang Region IX: Zamboanga City; Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin; Region XI: Davao City; at CARAGA: Butuan City.
Ang mga hindi nabanggit na lugar ay nasa Alert Level 2 simula Marso 16 hanggang Marso 31, 2022.
Nauna nang inirekomenda ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad na ng Alert Level 0 sa rehiyon. Sinabi ni MMDA General Manager Frisco San Juan Jr., handa na umano ang mga alkalde na ibaba ang alert level sa 0 upang ganap nang mabuksan ang lokal na ekonomiya. Sa kabila ng rekomendasyon, handa naman umano ang mga alkalde na sumunod sa anumang desisyon na ibababa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
- Latest