^

Metro

Hindi rehistradong cooking oil, nasamsam ng CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang nasa 120 containers ng mga hindi rehistradong cooking oil sa isinagawang operasyon sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Lumilitaw na pinasok ng CIDG Rizal Provincial Field Unit at Regional Mobile Force Battalion Rizal nitong Miyerkules sa bisa ng search warrant ang isang warehouse dahil sa paglabag sa Section 10 ng Food and Drug Administration Act of 2009.

Aabot sa P195,328 ang halaga ng mga mantika ang nakumpiska.

Napag-alaman sa CIDG, ang mga produkto ay walang rehistro mula FDA at walang License to Operate (LTO).

Hindi rin dumaan ang mga produkto sa pagsusuri ng FDA kaya’t hindi dapat binebenta sa publiko.

“Since these food products have not gone through the evaluation process of the FDA, its quality and safety cannot be assured,” ayon sa CIDG.

Pinuri naman ni CIDG Officer-In-Charge PBGen Rolindo M. Su­guilon ang mga tauhan ng CIDG Rizal sa matagumpay na operasyon at hinikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsawata ng mga ilegal na gawain, lalo na ang bentahan ng hindi awtorisadong produkto.

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with