3,616 lumabag sa pagtatapos ng gun ban
MANILA, Philippines — Pumalo sa kabuuang 3,616 katao ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa nationwide gunban kasabay ng pagtatapos nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
Batay sa datos ng PNP, nasa 3,702 na mga armas kabilang ang 1,317 revolvers; 1,057 pistols; 28 rifles; 28 shotguns; at 908 na iba pa ang nakumpiska simula nang ipatupad ito noong Enero 12.
Napag-alaman na nasa 998,679 checkpoints ang ipinakalat nila sa kasagsagan ng gun ban kung saan 265 ang naaresto nang on-the-spot sa checkpoints habang 1,879 naman ang nasakote sa pamamagitan ng police operations.
Sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamaraming naarestong indibidwal na nasa 1,271, na sinundan ng Rehiyon 3 na nasa 435 na mga naaresto, Rehiyon 7 na may 429 at Rehiyon 4A na may 336.
Samantala, siniguro naman ni PNP chief Gen.Nicolas Torre III na patuloy pa rin ang kanilang mga checkpoints upang matiyak na walang mga kontrobando ang nagagamit sa krimen.
“We will not let up. The conclusion of the gun ban marks a transition, not an end”, ani Torre.
- Latest