^

Metro

Drive-thru vaccination sa Maynila, balik sa Lunes

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magbabalik na bukas (Lunes) ang operasyon ng drive-thru vaccination sa Maynila.

Ito ang inanunsyo  ni Manila Mayor Isko Moreno, muling bubuksan sa Lunes, Agosto 16 ang drive-thru vaccination  kaya’t hinimok niya ang mga interesado na magpareserba na ng slot sa manilacovid19vaccine.ph, para sa isang linggong itatagal ng bakunahan o hanggang Agosto 22.

“You may schedule depending on your availability,” ani Moreno sa mga motorista na magpapabakuna at maari pa aniyang, magsama ng hanggang tatlo pang nais magpaturok.

Isa lang sa apat na sakay ang kailangang magpareserba ng slot, at ang tatlo na dapat na nakarehistro rin sa pagpapabakuna ay matuturukan na basta dala lang ang kani-kaniyang QR code.

Nitong Agosto 13, may kabuuan nang 35,267 ang nabakunahan sa mga pampublikong eskwelahan.

Samantala, may bagong P34 milyon ang idinagdag ng national government sa cash assistance sa ilalim ng social amelioration program (SAP). Nangangahulugan aniya na hindi mag-aabono ang local na pamahalaan para sa cash ssistance ngayong ECQ.

LUNES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with