^

Metro

2 gunrunner con karnaper, bulagta sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 gunrunner con karnaper, bulagta sa buy-bust
Isa sa mga suspek ay nakilala lang sa alyas na Atan, inilarawang nasa 28-anyos, habang hindi pa rin nakikilala ang isa pa, na tinatayang nasa 20 hanggang 26-anyos lamang, kapwa nakasuot ng jacket at shorts.

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking kapwa hinihinalang gunrunner at karnaper ang nasawi nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Isa sa mga suspek ay nakilala lang sa alyas na Atan, inilarawang nasa 28-anyos, habang hindi pa rin nakikilala ang isa pa, na tinatayang nasa 20 hanggang 26-anyos lamang, kapwa nakasuot ng jacket at shorts.

Batay sa ulat ng Novaliches Police Station 4 (PS-4) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-12:15 ng madaling araw nang maglunsad ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa mga suspek sa Robina Road, Siera Vista, Phase 3, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, QC, matapos makatanggap ng report na nagbebenta ang mga ito ng mga hindi lisensiyadong armas sa Novaliches.

Nakahalata umano ang mga suspek na mga pulis ang katransaksiyon kaya’t pinaputukan sila ng baril saka tumakas.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek, na napatay nila sa isang running gun battle.

 Nakuha sa mga suspects ang dalawang kalibre .45 pistola, at nakuhanan din ng isang kalibre .38 revolver, isang pakete ng hinihinalang shabu, cellphone, wristwatch, bala. P30,000 na boodle money, at isang nakaw na motorsiklo.

Ang naturang motorsiklo ay natuklasang pagmamay-ari naman ng isang Joshua Copioso.

Positibong kinilala ni Copioso ang mga suspek na siyang tumangay ng kaniyang motorsiklo dakong alas-5:40 ng hapon, noong Martes lamang, sa Brgy. Gulod, Novaliches, hinalang upang magamit ng mga ito sa kanilang mga illegal na transaksiyon.

vuukle comment

CARNAPER

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with