^

Metro

Electrician dedo sa kuryente

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang electrician ang nasawi matapos na makur­yente habang kinukumpuni ang nasunog na wire na ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa isang gusali sa Quezon City, kamakalawa

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima ay nakilalang si Marlou Partulan, 26, ng FTI Road, Lot 5, Block 14, Taguig City.

Ayon kay PO2 Dollente, si Partulan ay nagawa pang maitakbo sa Quezon City General Hospital subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Sa imbestigasyon ni Dollente, nangyari ang insidente sa may parking space sa ika-anim na palapag ng ginagawang gusali ng Panorama Techno Hub na matatagpuan sa Brgy. Veterans Village, Project 7, ganap na alas-11:20 ng umaga.

Bago ito, isang kawad ng kuryente ang sinikap na apulain ng mga kasamahan ng biktima na sina Adolfo Alimosorin at June Saldivar gamit ang fire extinguisher matapos na masunog nang mag-short circuit.

Kasunod nito, tinawag ni Saldivar ang biktima sa nasabing lugar, para siyang mag-ayos ng nasabing nag­lokong kuryente.

Subalit, habang kinukum­puni ito ni Partulan ay bigla nitong nahawakan ang walang balot na wire dahilan para siya makuryente saka bumuwal sa sahig at nawalan ng malay habang uma­agos ang dugo sa kanyang mukha.

Sa kabilang banda, tinangka naman ni Mary Grace Corquera, nurse ng kompanya na bigyan ng first aid ang biktima, bago tuluyan itakbo ito sa Quezon City General Hospital kung saan idineklara itong dead on arrival.

ACIRC

ADOLFO ALIMOSORIN

ANG

DOLLENTE

JUNE SALDIVAR

MARLOU PARTULAN

MARY GRACE CORQUERA

PANORAMA TECHNO HUB

PARTULAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with