^

Metro

Mula December 14 hanggang Enero 3, 2016 moratorium sa road re-blocking, ipapatupad ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipatutupad na ng Metropolitan Manila De­­velopment Authority (MMDA) ang moratorium sa mga road re-blocking, repairs at pipe laying sa mga lansangan sa Metro Manila bilang bahagi pa rin ito ng pag­hahanda sa inaasahang trapik ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Simula sa Disyembre 14 ng taong ka­salukuyan hanggang Enero 3, 2016 ay epek­tibo na ang pagpapatupad ng naturang moratorium, ayon ito kay MMDA Traffic Engineering Center Head Noemi Recio.

Subalit,  hindi saklaw sa moratorium ang  mga flagships projects ng pamahalaan tulad ng bridge/repair construction; Emergency Leak Repairs or breakage ng  water lines ng Manila Water Company at Maynilad Water Services Company na makakaapekto sa water supply  sa Metto Manila.

Gayundin ang Flood Enterceptor Catchment Project ng DPWH at Expressway Project.

Nabatid na taunan nang ipinatutupad ang moratorium sa mga ginagawang pag­huhukay sa kalsada at pagkumpuni tuwing papasok ang panahon ng Kapaskuhan dahil nakakadagdag ito sa pagbigat ng trapiko bunga ng pagdagsa sa Metro Manila ng mga tao galing sa kalapit na probinsiya para sa mamimili.

ACIRC

EMERGENCY LEAK REPAIRS

EXPRESSWAY PROJECT

FLOOD ENTERCEPTOR CATCHMENT PROJECT

KAPASKUHAN

MANILA WATER COMPANY

MAYNILAD WATER SERVICES COMPANY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DE

METTO MANILA

TRAFFIC ENGINEERING CENTER HEAD NOEMI RECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with