^

Metro

Misis napaanak sa matinding trapik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa sarado ang mga daanan at matinding trapik na naranasan, isa na namang ginang ang inabot nang panga-nganak habang pababa ito mula sa isang pampasaherong bus, kahapon sa Parañaque City.

Kinilala ang ginang na si Aileen Butocain, taga Tanza, Cavite.

Ayon sa mister ni Aileen na si Enrique, galing sila ng Tanza  at lumuwas upang dalhin ang misis sa isang ospital sa Maynila dahil kabuwanan na nito.

Pagsapit ng sinasakyan nilang bus sa Coastal Mall, Terminal, Parañaque City ay biglang sumakit ang tiyan ng ginang subalit dahil sa matinding trapik bunga ng isinarang mga daan ay hindi na kinaya ng misis kung kaya’t bumaba ito ng bus hanggang sa napahiga na lamang ito sa tabi ng kalsada at doon isang vendor ang siyang nagpa-anak dito.

Isang baby girl ang ipinanganak nito  na pinangalanan nitong Coastaline, na kinuha niya ito sa pangalan ng Coastal Mall.

Dito na dumating ang rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at dinala ang ginang at ang sanggol nito sa Ospital ng Maynila.

Matatandaan,nitong nakaraang linggo, isa pang ginang na si Lorna Justo ay nanganak din ng sanggol na lalaki sa bangketa ng panulukan ng Belle Avenue at Dios­dado Macapagal Boulevard sa nabanggit pa ring
lungsod matapos din tong ma-stranded dahil sa trapik ng APEC.

vuukle comment

ACIRC

AILEEN BUTOCAIN

ANG

ATILDE

BELLE AVENUE

COASTAL MALL

LORNA JUSTO

MACAPAGAL BOULEVARD

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TANZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with