^

Metro

Buy-bust natunugan anak ni Jaworski nakipagbarilan sa mga pulis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang anak ng basketball living le-gend at dating Sena­dor Robert Jaworski ma­­tapos itong makipag­barilan sa mga pulis ha­bang arestado naman ang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation, kaha­pon ng madaling-araw sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center (MMC) si Ryan Jo­seph Jaworski, 40, ng Corinthian Garden, Quezon City, sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang hita.

Nasa custody naman ng pulisya ang isa pang suspect at kasama nitong si Joselito Au, 52, isang Tsinoy, residente naman ng V.V. Soliven, Green Park, Cainta, Rizal.

Isa pang kasamahan ng mga ito ang nakatakas.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Nilo Sadsad, ng Homicide Section, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Ma­kati City Police, naga­nap ang insidente alas-12:40 ng madaling araw sa panulukan ng Chino Roces Avenue at Pasay Road, Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng report ang pulisya hinggil sa illegal na gawain ng mga suspek, dahilan upang ikasa ang buy-bust.

Nabatid, na natu­nu­gan  ng mga suspect  na aarestuhin sila ng naturang operatiba, dahilan upang magpaputok ng baril ang batang Jawors­ki kung kaya napilitang gumanti naman ng putok ang mga pulis hanggang sa tinamaan ito sa kanang hita.

Matapos ang engku­wentro ay dinala sa na­turang ospital si Ryan Jo­seph at ang kasama nitong si Au ay mabilis namang inaresto.

Narekober sa mga ito ang isang shotgun riffle, 19 na pirasong fire cartridges mula sa M-16 riffle, 14 mula sa  9mm at 2 piraso mula   sa caliber .40.

Si Ryan Joseph ay isa sa mga anak ni basketball living legend at dating Senador Robert Jaworski, kung saan ang batang Jaworski ay nada­kip noong mga nakaraang taon  matapos itong masangkot sa droga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHINO ROCES AVENUE

CITY POLICE

CORINTHIAN GARDEN

GREEN PARK

HOMICIDE SECTION

MGA

NBSP

RYAN JO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with