^

Metro

Sa maling order na ibinigay Koreano, nanapak ng service crew kalaboso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 67-anyos na Koreano matapos umano nitong sapakin ang isang babaeng service crew dahil nagkamali ang biktima sa naibigay na order ng suspek sa Makati City, kamakalawa ng tanghali.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang suspek na si Dong Hoo Lee, pansamantalang nanunuluyan sa Cittadel Inn sa P. Burgos St., Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Samantala, ayaw namang  ipabanggit ng biktima ang buong pangalan nito, kung kaya’t kinilala lamang ito sa pangalan nitong  Ms. Claveria.

Sa report na natanggap ni Makati City Police Officer-In-Charge (OIC), Police Sr. Supt. Ernesto Barlam, naganap ang insidente alas-12:30 ng tanghali sa loob ng isang fastfood chain sa kahabaan ng Makati Avenue,  Brgy. Bel-Air ng na­turang lungsod.

Nabatid na nagtungo ang naturang dayuhan at umorder ng pagkain sa naturang establisimento. Subalit, nang dumating ang order nitong pagkain ay nagkamali ng ibinigay  ang biktima at kaagad na umangal ang dayuhan.

Dahilan upang dalawang beses itong tanungin ng biktima para ibigay ang tamang order na pagkain dito, su­balit sa halip na sumagot ang suspek ay sinapak nito ang naturang service crew.

Nagkaroon ng komosyon sa naturang lugar at nagka­taong nang oras na iyon ay  naroon sa pinangyarihan ng  insidente ang isang  official ng Makati City Police, kung kaya’t   kaagad nitong tinawagan ang kanyang mga tauhan,   na nag­resulta naman sa pagkakadakip sa naturang dayuhan.

Nakaagapay naman sa  nasabing dayuhan ang kanilang embahada.

 

vuukle comment

BRGY

BURGOS ST.

CITTADEL INN

DONG HOO LEE

ERNESTO BARLAM

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with