^

Metro

Kelot niratrat ng nakamotorsiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kondisyon ang isang 51-anyos na lalaki na binaril ng riding-in- tandem, habang naglalakad sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa University of Santo Tomas (UST) Hospital ang biktimang si Rene Thadeus Lanting, ng Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan malapit sa puso.

Isang alyas Delizo ang inginusong isa sa suspek kasama ang isa pang kasabwat na lulan ng isang kulay asul na motorsiklo na tumakas matapos ang insidente. Inaalam na ang motibo sa pamamaril.

Sa ulat ni Supt. Aldrin Gran, hepe ng Manila­ Police District-Station 3, dakong alas-8:55 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Alfredo at Laon-Laan Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng Brgy. 342 Zone 34, binubuntutan ng dalawang suspek na nakamotorsiklo ang biktima habang naglalakad sa nabanggit na lugar at nang makakuha ng tiyempo ay pinaputukan ito ng baril.

Isang passer-by na si Paul Vincent Shi­mizu, 18, ang nagdala sa biktima sa nasabing pagamutan.

ALDRIN GRAN

CRUZ

ISANG

LAON-LAAN STS

MAYNILA

PAUL VINCENT SHI

POLICE DISTRICT-STATION

RENE THADEUS LANTING

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with