^

Metro

3 Pinoy na biktima ng scam hub balik Pinas na

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na nakabalik na ng bansa  mula Cambodia ang tatlong Pinoy na sapilitang pinagtrabaho sa scam hub sa ibang  bansa.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang tatlong manggagawa, na itinago ang mga p­angalan bilang pagsunod sa mga batas ­kontra-trafficking sa pamamagitan ng flight ng Philippine Airlines mula Phnom Penh, Cambodia noong ­Hunyo 6.

Ayon sa mga biktima, umalis sila ng Pilipinas na nagpanggap na mga turista ngunit sa katunayan ay na-recruit para sa iligal na trabaho sa ibang bansa. Ang alok na trabaho ay nangako sa kanila ng buwanang suweldo na $1,000, ­libreng tirahan, at apat na araw na bakasyon bawat buwan.

Ibinunyag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na pagdating sa Cambodia, walang natanggap na tamang facilitation o suporta ang mga biktima, na naglantad sa kanila sa agarang ­panganib.

Ikinuwento rin ng mga biktima kung paano sila napilitang pinagtrabaho bilang scammer na target ang mga Pinoy online. Kinaila­ngan nilang lokohin ang mga Pilipinong biktima sa online betting at sa investment at loan scam sa internet.

Hinikayat din niya ang mga Pilipino na ­maging maingat sa mga kahina-hinalang online investment scheme at pinayuhan silang iulat sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang anumang mga pagtatangka na manloko o mangikil sa kanila.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with