Onsehan sa droga: Bebot, todas sa tandem
MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na babae ang patay matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Dead on the spot ang biktima makaraang paulit ulit na paputukan ng mga hindi pa nakikilalang suspek bandang ala-6 ng gabi sa panulukan ng McArthur Highway at P. Bautista St., Brgy. Marulas, ng nabanggit na lungsod. Agad na tumakas ang mga suspek nang makitang bumulagta ang biktima sa kalsada.
Ayon kay PMaj. Randy Llanderal, Chief, Public Information Office, Valenzuela Police Station, may kikitain umano sa nabanggit na lugar ang biktima nang biglang ikutan ng riding-in-tandem at paputukan.
Aabot sa apat na tama ng bala ng baril ang tinamo ng biktima.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dati nang nakasuhan ang biktima dahil sa ilegal na droga. Onsehan sa ilegal droga ang tinitingnang motibo sa krimen.
Sa pahayag naman ng dating live-in partner ng biktima, bago mangyari ang insidente, sinundo ng isang alyas “Jon” ang biktima.
Dagdag ni Lladeral, na may person of interest na sila subalit hindi pa maaaring ibunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito.
- Latest