^

Metro

Bank manager utas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ma­nager ng banko matapos pagbabarilin ng riding in tandem  habang sakay ng kanyang sasakyan ang una sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Caloocan Medical Center sanhi ng 10 tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Davidson Pascual, manager ng Rural Bank sa Del Monte Avenue, Quezon City at residente ng Santos St., Navotas City.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Joel Montebon, alas-10:15 ng umaga nang maganap ang insidente habang ang biktima ay lulan sa kanyang To­yota Innova at pagsapit sa panulukan ng 9th Avenue at  P. Sevilla,  isang kanto lang ang layo sa Police As­sistance Center 6 ay doon hinarang at pina­ulanan ng bala ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek na kapwa may takip sa mga mukha sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman ang biktima sa naturang ospital, subalit hindi na umabot nang buhay.

Nabatid pa kay Monte­bon, mga special bullet ang ginamit ng mga suspek. Hindi naman umano nakuha ang dalang pera ng nasawi na hindi pa batid kung magkano ang halaga dahil na rin sa pagdating ng mga pulis na nakatalaga sa  PAC-6.

Inaalam na ng mga pulis kung pera ang pakay ng mga suspek o may kaugnayan sa pagiging manager nito sa banko.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN MEDICAL CENTER

DAVIDSON PASCUAL

DEL MONTE AVENUE

JOEL MONTEBON

NAVOTAS CITY

POLICE AS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with