2 pang parangal nakopo ng Taguig
MANILA, Philippines – Dalawang bagong parangal sa Pamahalaang lokal ng Taguig ang nadagdag sa listahan nang pagkilala bunga ng mga programang ipinatutupad nito. Noong Nobyembre 28, ginawaran ang Taguig ng ‘Seal of Child Friendly Local Governance’ ng Council for the Welfare of Children (CWC) dahil sa paghahatid ng serbisyo para sa pangangalaga at pagsusulong ng kapakanan ng kabataan at pagkilala ng Federation of Associations of Private Schools & Administrators (FAPSA), sa kanilang 17th General Assembly si Taguig Mayor Lani Cayetano kaugnay sa programa para mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.
Sinabi ni Cayetano, malaking karangalan sa Taguig ang mga nasabing pagkilala na mas lalong nagbibigay ng inspirasyon upang mapabuti pa ang sistema. Ayon kay Department of Interior and Local Government-Taguig Director Gemma Dancil, ang pinarangalang LGUs ay pinili batay sa resulta nang isinagawang ‘child-friendly local governance audit’ para alamin ang performance ng local government unit sa pagpapaabot ng social services na para sa kapakanan ng kabataan.
Ang FAPSA naman ay kinilala ang inilunsad na Taguig Learners Certificate (TLC) Program - ang pinahusay na bersyon ng DepEd GASTPE Program. Sa ilalim ng TLC program, ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay pinagkakalooban ng scholarships para makalipat sa private schools. Ang mag-aaral na bahagi ng TLC program at nailipat mula sa public school ay tumatanggap ng mas mataas na tulong pinansyal kumpara sa ibinibigay ng GASTPE program.
- Latest