Kelot itinumba dahil sa droga
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may kiÂnaÂlaman sa droga ang isa sa mga anggulong sinisiyasat ng pulisya matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Nasawi noon din ang biktimang si Zaldy Castro, residente ng Callejon Banal St., Brgy. Ususan ng naturang lungÂsod matapos itong kinilala ng kanyang kinakasamang si Jennifer Machica na kaagad nagtungo sa pinangyarihan ng pamamaslang makaraang malaman sa mga kapitbahay ang insidente.
Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.
Lumabas sa imbestigasÂyon nina SPO1 Rodelio AbeÂnojar at SPO1 Jay Laguerta, ng Homicide Section ng City TaÂguig City Police, naganap ang pamamaril alas-9:00 ng gabi sa P. Mariano St., Barangay Ususan ng naturang lungsod habang pauwi na ang biktima.
Sinabi ng mga testigo na isang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang bigla na lamang bumunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ulo at naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek, patungo sa hindi nabatid na lugar.
May hinala ang pulisya na may kinalaman sa droga ang naturang pamamaslang makaraang makuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang sachet ng shabu, dalawang disposable lighters at anim na basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.
- Latest