^

Metro

P.1-M natangay ng mga holdaper

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.1 milyong halaga ng mga pera, alahas at cellphone ang natangay mula sa mga pasahero matapos holdapin ang mga ito ng tatlong kalalakihan sa isang UV Express van kamakalawa ng hapon sa boundary ng Pasay at Parañaque City.

Kinilala ang mga biktimang sina Jane Paula Roxas, ng  San Mateo, Rizal; Orlando Grabado, 32, taga Imus, Cavite; Andrea Jala, 24, nakatira naman sa Dasmariñas, Cavite at Haide Capili, 35, ng  Bacoor; Cavite.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang Pasay City Police at inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya na minama­neho ng driver na si Wilfredo Payson, 50; ang isang Toyota Hi-Ace, UV Express, na may plakang UWD-168 at pasahero nito ang mga biktima at tatlong suspek na nagpanggap din na mga pasahero.

Galing ang naturang UV Express sa area ng Cavite na patungong Pasay City nang pagsapit boundary ng Pasay at Parañaque ay biglang nagdeklara ng hold-up ang tatlong kalalakihang naka­sakay sa naturang PUV.

Tinutukan nila ng patalim at baril ang mga pasahero hanggang sa kinuha ng mga ito ang mahahalagang ka­gamitan ng mga biktima tulad ng mga alahas, mga cellphones, iPhone 5 at pera na tinatayang nasa P100,000 ang kabuuang halaga.

ANDREA JALA

CAVITE

HAIDE CAPILI

JANE PAULA ROXAS

ORLANDO GRABADO

PASAY

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with