4 na pulis sa kaso ni Vhong pinasususpinde
MANILA, Philippines – Pinasususpinde ng Philippine National Police Office Director of the Internal Affairs Service (IAS) ang apat na pulis na nag-asikaso sa blotter ng modelong si Deniece Cornejo para sa umano’y panggagahasa ni TV host Vhong Navarro.
Nahaharap sa kasong administratibo sina Police Senior Inspector Eduardo Alcantara, Police Officer 3 Dalmacio Lumiuan Jr., Police Officer 3 Eugene Pugal at Police Officer 3 Rolly Laureto dahil sa serious neglect of duty.
Dalawampung araw ang suspensyon sa apat na pulis na walang sahod.
Kaugnay na balita:Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na
Ang apat na pulis ng Southern Police District ang nag-asikaso ng blotter noong Enero 22 matapos dalhin ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee ang bugbog saradong si Navarro.
Ididiretso ng IAS ang kanilang rekomedasyon sa National Capital Region Police Office.
- Latest