6,000 Cytotec nakumpiska sa raid
MANILA, Philippines - Umaabot sa 6,000 piraso ng Cytotec ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District-District Police Intelligence and OpeÂrating Unit (DPIOU) at District Anti-illegal Division sa ginawang pagsalakay sa isang business establishment sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Sr. Supt. VillaÂmor Tuliao, hepe ng District Intelligence Division, ang bahay ni Gloria Nigado, 55, sa Life Arcade ay pinasok ng mga awtoridad matapos na makatanggap ng impormasyon na nagsasagawa ito ng re-packing ng nasabing gamot.
Kasama sina Chief Insp. Anthony Ananayo, hepe ng DAID at Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng Plaza Miranda sinalakay ng mga ito dakong ala-1 ng hapon ang lugar na sinasabing maÂtagal nang nagsasagawa ng re-packing at bentahan ng pampalaglag na gamot sa palibot ng Quiapo church.
Bukod sa Cytotec, nakita rin ang iba’t ibang uri pa rin ng gamot na pinaniniwalaang ibinebenta sa mas mababang halaga. Nakakuha rin ang mga awtoridad ng 800 viagra.
Nangangamba rin ang mga awtoridad na posibleng may masamang epekto ang mga gamot na nasabat lalo pa’t wala ito sa tamang packagingÂ.
- Latest