Ride hailing app driver utas sa pamamaril

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na ride hailing app driver ang patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Dwayne Allen Canlas, residente ng Sampaloc, Maynila, na nagtamo ng tatlong tama ng bala.
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 4, dakong alas-7:10 ng gabi ng Hunyo 16, nang maganap ang insidente sa Algeciras St., panulukan ng Simoun St., Sampaloc.
Naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kapatid na lalaki patungo sa basketball court upang manood ng laro nang biglang lumutang ang riding-in-tandem at ilang beses pinuntirya ng putok ang biktima.
Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical center ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.
Nagsasagawa pa ng backtracking at forward tracking ang MPD-Homicide Section upang matunton ang pinanggalingan at direksyon sa pagtakas ng mga suspek.
Inilarawan ng kapatid na ang isa sa suspek ay nakasuot ng JoyRide longsleeve na kulay blue at itim na helmet habang ang backrider ay nakasuot ng itim na jacket at itim na helmet kaya hindi namukhaan.
- Latest