Ex-employee, POI sa pagpatay sa House exec - QCPD
MANILA, Philippines — Itinuturing ng Quezon City Police District (QCPD) na person of interest sa pamamaslang sa House executive na si Director Maurico Pulhin ang kanyang dating empleyado.
Sa panayam ng DZMM Radyo kay PMajor Jennifer Gannaban, QCPD public information officer, nakatakdang magsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa kanilang dating empleyado.
Tiniyak ng pamilyia Pulhin na walang ibang kaaway ang biktima maliban sa POI.
Si Pulhin na chief of technical staff ng House committee on Ways and Means ay binaril at pinatay ng riding in tandem sa ika-7 taong kaarawan mismo ng kanyang anak sa clubhouse ng isang subdivision sa nabanggit na lungsod.
Gayunman, hindi na nagbigay pa ng detalye si Gannaban sa pagkakakilanlan ng POI.
Kaugnay nito, bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang QCPD para sa mas mabilis na pagtukoy sa riding-in-tandem na bumaril sa biktima.
Ayon kay Gannaban, sinisiyasat na ngayon ng tracker team ang CCTV footage kung saan hindi tumitigil sa pagba-backtracking at forward tracking.
Nakuha na rin nila ang larawan ng gunman mula sa CCTV. Sa oras na makilala nila ang suspek agad nilang ilalabas sa publiko ang larawan nito upang matukoy ang posibleng pinagtataguan.
- Latest