Presyo ng petrolyo, nagtaas uli
MANILA, Philippines - Muli na namang nagtaas ng kanilang produktong petrolyo ang mga higanteng kompanya ng langis kahapon ng umaga.
Simula alas-6:00 ng umaga kahapon nang magpatupad ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum at PTT Philippines ng pagtataas ng P0.30 kada litro sa dieselÂ. Nagtaas din ang Shell at Petron ng P.55 sa kada litro ng kerosene.
Hindi naman kasama sa pagtataas ng Petron at ng Shell ang mga lugar sa Visayas na tinamaan ng bagyong Yolanda.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay unang nagpatupad ng P1.35 kada litrong pagtaas sa diesel at P0.35 sa gasolina ang naÂsabing mga kompanya.
Noong nakaraang linggo, big time price hike rin sa presyo ng “liquefied petroleum gas (LPG)†naman ang ipinatupad. Nagtaas ng hanggang P14.30 kada kilo o P157.30 kada 11-kilong tangke na labis na nagpabigat sa budget ng mga misis ng tahanan at ng mga karinÂderya. Nagtaas din ng presyo ang kompanya sa Auto LPG ng P7.99 per liter.
Kamakalawa, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang P4.15 kada kilowatt hour ng Manila Electric Company (MERALCO) na idinulot umano ng shutdown ng Malampaya Gas Plant at ng walo pang planta na nakisabay rin sa pagsa-shutdown.
Sinabi naman ng Meralco na kailangan na kaÂilangan na ng mga bagong “power plants†sa bansa dahil sa pawang mga luma na ang mga planta na nagpo-prodyus ng enerhiya kaya sabay-sabay na nagsasara kapag nagkakaroon ng aberyaÂ.
- Latest