Sa 5 lalawigan at sa Metro Manila: INC, nagsagawa rin ng relief operations
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng malawakang relief opeÂrations ang Iglesia ni Cristo (INC) na tinawag na ‘Lingap sa Mamamayan’ sa halos limang lalawigan at ilang bahagi ng Metro Manila na matinding sinalanta ng baha dulot ng bagyong Maring at ng habagat.
Ayon kay Minister Glicerio B. Santos Jr., general auditor ng INC, ang isinagawang relief operation ang kanilang pinakamalaki at pinakamalawak na disaster relief operations sa bansa.
Idinagdag pa nito na ang operasyon ay bilang tugon sa kautusan ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na tulungan ang mga binahang mamamayan na apektado ng kalamidad.
Anya, walong teams ang kanilang ipinakalat na ang bawat isa ay pinamumunuan ng isang ministro ng INC sa Laguna, Zambales, Pampanga, Bataan at Cavite gayundin sa Marikina, sa Tondo, Maynila at ilang lugar sa katimugang bahagi ng Kalakhang Maynila.
May 43,000 pamilya anya ang nakinabang sa mga relief packs na kinabibilangan ng mga pagÂkaing de-lata at bigas na nakatanggap ng ayuda.
Nagkaloob din ng mga gamot sa ubo, sipon at lagnat gayundin para sa leptospirosis ang naÂipamigay sa mga pamilyang biktima ng kalamidad na pinangunahan ng mga doctor, nurses at paraÂmedics na pinamunuan ni Dr. Sergie Santos, na isa sa mga organizers ng Lingap sa Mamamayan.
- Latest