^

Metro

Klase sa QC, sinuspinde dahil sa SONA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista ang suspensyon ng mga klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at high school sa dara­ting na  Lunes (Hulyo 22) kaugnay sa isasagawang  SONA  ni Pangulong Benigno Aquino III sa Kongreso.

Ang hakbang ay gi­ nawa ni Mayor Bautista  bilang tugon sa rekomendasyon ng QC Police District, QC Division of City Schools at QC Department Public Order and Safety para sa pa­ ngangalaga ng kaayusan at katahimikan kaugnay ng SONA.

“Ang kaligtasan ng mga batang nagsisipag-aral at ang pagbibigay ng proteksyon sa kanila ay isang pangunahing tungkulin ng pamahalan ng lungsod,” sinabi ni Mayor Bautista sa ginanap na executive meeting sa QC hall.

Sinabi rin nito na dapat suspendihin ang mga klase para na rin makabawas sa  pagsi­sikip ng trapiko lalu na sa kaligtasan ng mga batang mag-aaral.

Gayundin sinabi ni QC Polytechnic Univer­sity Vice President for administration Melani Pisig na  wala ring  pasok sa Ba­­tasan branch ng naturang unibersidad.

Ipinaubaya naman ng QC Hall sa Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapasya kung isususpinde o hindi ang mga klase sa mga unibersidadad at kolehiyo sa mga apektadong lugar sa lungsod.

 

DEPARTMENT PUBLIC ORDER AND SAFETY

DIVISION OF CITY SCHOOLS

HIGHER EDUCATION

MAYOR BAUTISTA

MELANI PISIG

PANGULONG BENIGNO AQUINO

POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with