^

Probinsiya

‘Extra income’ ang pagtutulak...Mekaniko arestado sa P1.3 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
‘Extra income’ ang pagtutulak...Mekaniko arestado sa P1.3 milyong shabu
Masusing sinisiyasat ng PDEA agents ang mga nakuhang 200 gramong shabu na nasa P1.36 milyong halaga sa isang mekaniko na nadakip sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Photo: PDEA

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang mekaniko sa isinagawang drug bust operation kamakalawa sa Brgy. Mambo 5, Bacoor City.

Extra income diumano ng suspek ang pagbebenta ng droga na kinilala sa alyas na Geoffrey, 32-anyos, mekaniko at residente ng Brgy. Salinas 2, Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:50 ng gabi nang magkasa ng buy-bust ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police target ang suspek.

Ayon sa PDEA, ilang araw rin nilang minanmanan ang suspek at nang magpositibo sa impormasyon sa kanyang ilegal na gawain, saka isinagawa ang buy-bust.

Nakumpiska mula sa suspek ang mahigit sa 200 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1,360,000.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with