^

Metro

50 Public schools tumanggap ng ayuda sa Maynilad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa halos 50 public schools ang tumanggap ng ayuda para sa Brigada Eskuwela 2025 program ng Department of Education (DepEd) sa Metro Manila at Cavite.

Sa tulong ng iba’t ibang lokal na pamahalaan, ang Maynilad ay nagkaloob ng cleaning materials at hydration support upang maging handa ang mga paaralan sa bagong simula nang klase ng mga mag aaral sa mga concession areas ng kumpanya.

Ang Maynilad ay nagkaloob ng iba’t ibang disinfecting supplies, 87 refrigerated drinking fountains, at 260 packs ng bottled water sa mga  public schools  sa  Valenzuela, Malabon, Maynila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa at  Makati sa Metro Manila gayundin sa Imus at Bacoor sa Cavite .

Ayon sa kumpanya, ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na partnership sa government efforts na mapabuti ang learning environments.

“We are pleased to support Brigada Eskwela once again, as it aligns with our sustainability agenda to promote health, education, and overall well-being in the communities we serve. By helping to create safe and welco­ming school environments, we hope to empower more Filipino children to grow and thrive.” ,” ayon kay Maynilad Chief Sustainability Officer Roel Espiritu.  

SCHOOLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with