^

Metro

1 patay, 4 sugatan sa pamamaril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang patay habang apat pa ang sugatan nang paulanan ng bala ng di kila­lang lalaki ang isa sa umpukan ng magkakapitbahay habang nagkukuwentuhan sa  Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Sa Mary Jhonston naisugod ang biktimang si Er­nesto Acul, ng 4-1 Int., 35 Perla St., Tondo, subalit binawian din ng buhay  sanhi ng tama ng bala sa katawan habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Me­­dical Center  (JRMMC)  ang suga­tang si Reggie Alcover, 17, ng no. 401 Int., 35 Perla St., Tondo  at sa Gat Andres Bonifacio Hospital naman ginagamot si Primo Zabala, 53, may-asawa, isang street sweeper ng Perla St., Tondo Manila sanhi ng tama ng stray bullet sa katawan.

Hindi na dinala pa sa pagamutan ang nadaplisan ng bala sa mukha na si Zenaida Bitores, 49, biyuda at Benny Bitores, 27

Wala pang pagkilanlan ang suspect na sakay ng itim na motorsiklo.

Sa ulat ni SPO2 Ramir Dimagila ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Perla at Quirino Sts., Tondo, Maynila.

Nabatid na habang naki­kipagkuwentuhan ang bik­­tima sa nasabing lugar ay tumigil ang suspect na sakay ng motorsiklo at ma­tapos ang maikling pag-uusap ay agad bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang biktima.

Natamaan din ang nakatalikod na si Alcover na nasa tabi ng biktima at iba pang mga kapitbahay na nadamay ng stray bullet.

Nabatid na nahagip umano­ ng closed circuit tele­vision (CCTV) na nakakabit sa lugar ang insidente kung saan makikitang nakausot ng kulay brown na bull cap at puting t-shirt ang suspect  habang sa di kalayuan ay nakita rin ang isa pang lalaki na nakasakay ng isa pang motorsiklo na hinihinalang kasama ng suspect.

BENNY BITORES

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JOSE REYES MEMORIAL ME

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

PERLA ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with