Pinagdudahang miyembro ng Dugo-Dugo 2 kasambahay ipinakulong ng amo
MANILA, Philippines - Dahil sa duda at sa hindi umano kapani-paÂÂÂniwalang salaysay, nagÂpasiya ang isang neÂÂgosÂÂyante na sampahan ng reklamong QualiÂfied Theft ang dalawa niyang kasambahay sa MaÂnila Police District kaÂÂugnay sa pagkawala ng kaniyang mga alahas at cash na umabot sa P2-milyon, sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ipinaaresto sa pulisÂya at saka idineretso sa MPD-General Assignment Section (GAS) ang dalawang kasambahay na kinilalang sina Rubelyn Judilla, 20 at Shiela Samson, 21, tuÂbong Antique, Aklan ng kanilang among si Lily Chan, ng HO2 Otis, 888 Residence Paz, sa M. Guanzon St., Paco, MayÂnila.
Sa ulat ni PO3 Jay Jacob, Qualified Theft ang nakatakdang isamÂÂpa sa Manila City Prosecutor matapos na sabihin ng dalawa na may isang babaeng tumawag noong Mayo 7, 2013, bandang alas-4:00 hanggang alas- 5:00 ng hapon at nagÂsabi na naaksidente ang kanilang amo.
Sinabi din ng dalawa na inutusan silang kunin sa master’s bedroom ang mga alahas at cash at sinunod ang bilin ng caller na ibigay lahat sa lalaking pupunta sa bahay ng amo.
Subalit, sa testimonya ni Rolly Palarca, security officer sa compound, wala umanong nakarecord na may duÂmating at umalis na lalaki sa bahay ni Chan.
Maging sa interogasyon ng MPD-GAS, hindi nagtutugma ang mga pahayag ng dalawang kasambahay. NaÂdiskubre ang insiÂdente ng pag-uwi ng kaÂnilang amo.
- Latest