^

Punto Mo

Ang taong hindi nagpapatalo sa galit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isang kaharian, may isang matalinong hari na kilala sa pagiging makatarungan at mahinahon. Sa kanyang kaharian ay may isang matapang at mahusay na heneral na nagngangalang Heneral Armani. Bukod sa pagiging magaling na pinuno ng hukbo, iginagalang din siya ng mga sundalo dahil sa kanyang pagiging tapat at patas sa lahat.

Isang araw, ipinatawag ng hari si Heneral Armani upang hingin ang kanyang opinyon tungkol sa isang opisyal na nag?gangalang Kapitan Alvaro. Nais ng hari na italaga si Alvaro sa isang mataas na posisyon sa hukbo, ngunit bago ito gawin ay gusto niyang malaman kung karapat-dapat ba ang opisyal sa naturang tungkulin. Walang pag-aalinlangang sinabi ni Heneral Armani na mahusay, masipag at matalino si Alvaro. Sa bandang huli, buong puso niyang inirekomenda ang kapitan sa hari. Nang matapos ang  pag-uusap, lumapit kay Heneral Armani ang isang opisyal na nakarinig sa kanilang usapan.

“General, hindi ba ninyo alam na lagi kayong nilalait ni Kapitan Alvaro sa likod ninyo? Marami siyang sinasabi laban sa inyo sa ibang mga opisyal!”

Ngumiti lamang si Heneral Arman. “Alam ko ang tungkol diyan,” sagot niya.

“Kung ganoon, bakit ninyo siya pinuri sa harap ng hari? Hindi ba dapat ay sinabi rin ninyo ang kanyang mga pagkukulang? Kung ako ang nasa kalagayan ninyo, hindi ko siya irerekomenda.”

 “Ang tinanong sa akin ng hari ay kung mahusay bang opisyal si Alvaro. Hindi niya ako tinanong kung mabuti ba ang kanyang pakikitungo sa akin.”

“Pero General, hindi ba kayo nasaktan sa mga paninira niya?”

“Nasaktan man ako, hindi iyon dahilan upang magsinungaling ako tungkol sa kanyang kakayahan. Kung mahusay siya sa kanyang tungkulin, nararapat lamang na sabihin ko ang totoo. Hindi ko kailangang sirain ang pagkatao niya para lamang makaganti ako”.

Napatango ang opisyal. Doon niya napagtanto na hindi kailangang gumanti sa bawat panlalait at paninira. Minsan, ang pinakamabisang ganti ay ang patuloy na paggawa ng tama.

GALIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with