^

Punto Mo

Tres Queridas (16)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABILIS iniligpit nina Diana, Celeste at Lani ang mga plato at tasa sa mesa. Nagkasundo silang magbiyahe patungong San Ildefonso. Pero bago ito, hindi na muna nila gagamitin ang magarang SUV ni Celeste. Gagamitin nila ang isang lumang compact sedan na hiniram ni Celeste sa isang kaibigan.

Habang inilalagay ni Diana ang ilang gamit at damit sa trunk ng kotse, inihabilin niya si Mateo sa kanyang kapatid.

Inilabas ni Lani ang tatlong telepono ni Carlo na nakatago sa kanyang bag upang siguraduhing nakapatay ang location services ng mga ito. Ngunit bago pa man niya maibaba ang hawak na cell phone, biglang tumunog ang isa rito.

TZZZ... TZZZ... TZZZ…

Napatigil sina Celeste at Diana sa pag-aayos ng mga dadalhin nila. Lumapit sila kay Lani.

Sa screen ng cell phone, may pumasok na text message mula sa isang hindi nakarehistrong numero:

“Huwag kayong pupunta sa San Ildefonso.”

Napakapit si Lani sa braso ni Celeste. “Ate Celeste... alam nila. Alam nilang pupunta tayo roon.”

Luminga-linga si Diana sa paligid. Nang may mapansin siya sa kanto ng kanilang kalye. Sa ilalim ng puno ng bougainvillea, may nakaparadang isang itim na kotse. Kahit tinted ang mga bintana nito, halatang may nagmamasid sa bahay.

“Pumasok kayo sa kotse,” mahinahon ngunit mabilis na utos ni Diana habang binubuksan ang pinto ng driver’s seat. “Hindi tayo magpapasindak. Mas lalo natin kailangang pumunta sa San Ildefonso habang naroon ang katotohanan.”

(Itutuloy)

KERIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with