^

Punto Mo

Tres Queridas (17)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAHIMIK na umandar ang kotse na minamaneho ni Diana palabas ng kanilang subdivision. Sa halip na agad dumeretso sa expressway, pinatakbo ni Diana ang kotse sa mga paliku-likong eskinita.

“Nakasunod pa ba sila?” mahinahong tanong ni Diana habang nakatitig sa daan.

Nakatingin si Celeste sa side mirror. Nasanay man siya sa kaginhawahan ng may sariling driver, mabilis niyang nakuha ang ritmo ng kanilang pagbiyahe “Dalawang sasakyan ang lumiko mula sa subdivision n’yo, Diana. Isang puting van at ‘yung itim na sedan. Lumiko ka sa susunod na kanto.”

Mabilis na ikinabig ni Diana ang manibela patungo sa isang masikip na kalsada. Paglampas nila sa kanto, tanging ang puting van na lang ang sumunod, habang dumeretso ang itim na sedan.

“Sinusubukan siguro nilang ipitin tayo sa magkabilang kanto,” sabi ni Celeste.

Sa likurang upuan, nakahawak si Lani sa kanyang tiyan habang ginagamit ang cell phone para mag-search ng mga ruta. “Ate Diana, sa service road na lang muna tayo dumaan. May lumang daan papuntang San Ildefonso roon. Doon kami laging dumadaan ni Papa noong bata ako kapag may iniiwasang trapik o malalaking truck.”

“Sigurado ka, Lani?” tanong ni Celeste.

“Oo ate,” tumango si Lani. “Hindi nila aasahang iiwas tayo sa expressway.”

Walang alinlangan na sinunod ito ni Diana. Mabilis niyang itinutok ang kotse patungong service road na itinuro ni Lani. Pagkalipas ng kalahating oras sa masikip at paliku-likong kalsada, nawala ang sumusunod na puting van.

Unang pagkakataon na naramdaman ng tatlong babae ang isang uri ng pagkakaisa. Sa loob ng maliit at sim?leng kotse, hindi na sila magkakalaban, isa na silang team na may iisang layunin sa dulo ng daan sa San Ildefonso.

(Itutuloy)

KERIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with