^

PSN Opinyon

Pagkain sa hika o asthma

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pamamaga ang pinaka-pangunahing dahilan ng sintomas ng hika. Kaya naman ang mga pagkain na nilalabanan ang pamamaga ang natural na gamot sa namumuong sipon o plema. Ang pagkuha ng maraming nutrients mula sa pag­kain ay nauugnay sa pagpapababa ng panganib sa hika.

1. Sibuyas -- Ang regular na pagkain ng sibuyas ay ma­ka­tutulong na makaranas ng madalang na pag-atake ng hika. Dahil ang sibuyas ay naglalaman ng anti-oxidant na quercetin, na nilalabanan ang pamamaga.

2. Kape -- Ang 1 o 2 tasang matapang na kape, ay nakatutulong ng bahagya dahil ito ay tulad ng theophylline, isang gamot na nagpapaluwag sa daanan ng paghinga.

3. Green Tea -- Katulad ng mansanas at sibuyas, ang green tea ay naglalaman ng quercetin at iba pang flavonoids. Subukan uminom ng 1 o 2 tasa kada araw.

4. Ang matatabang isda tulad ng tawilis, tamban, tuna, hasa-hasa, sardinas, dilis, salmon at mackerel ay may omega-3 fatty acids para labanan ang pamamaga ng iyong katawan, kabilang na ang daanan ng hangin.

5. Mansanas at strawberry -- Ang pagkain ng sapat na mansanas ay makatutulong makaiwas sa mga atake ng hika. Katulad ng sibuyas, ang mansanas ay mayaman sa quercetin, ngunit siguraduhing kainin ang balat, dahil dito nanggagaling ang quercetin. Ang strawberry ay mayaman din sa flavonoids.

6. Pagkaing mayaman sa antioxidant tulad ng Vitamin C, Vitamin E at Selenium. Ang red bell pepper, dalandan o calamansi juice, repolyo at kamatis ay mainam sa buong araw.

HIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with