^

PSN Opinyon

Lalaki, nag-malfunction ang kidney matapos magsagawa ng 2,000 squats dahil sa pustahan!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Isang 20-anyos na lalaki ang nagkaroon ng kidney malfunction matapos subukan ang isang matinding fitness challenge. Ang dahilan? Isang pustahan na nag-udyok sa kanya na gawin ang hindi pangkaraniwang hamon, ang gumawa ng 2,000 squats nang walang pahinga!

Ayon sa ulat, ang binata ay labis na kumpiyansa sa kanyang pisikal na kakayahan kaya’t hindi siya nagda­lawang-isip na tanggapin ang hamon ng isang kaibigan. Ang simpleng pustahan ay nauwi sa isang trahedya matapos niyang mapansin ang kakaibang pagbabago sa kanyang katawan ilang oras matapos tapusin ang challenge.

Sa una ay inakala ng hindi pinangalanang binata na kaya niya ang challenge. Hindi naman siya baguhan sa matinding physical activities at tila handang-handa siyang ipakita ang kanyang lakas.

Ngunit hindi nagtagal, bumaliktad ang sitwas­yon. Makalipas lamang ang ilang oras matapos makagawa ng 2,000 squats, biglang namaga ang kanyang mga binti at nagkaroon siya ng matinding pananakit ng kalamnan, at ang kanyang ihi ay naging kulay brown.

Makalipas pa ang ilang sandali, hindi na siya makaihi. Dahil dito, napilitan siyang humingi ng tulong medikal at agad siyang isinugod sa Vladivostok Clinical Hospital.

Matapos ang serye ng pagsusuri, nadiskubre ng mga doktor na ang binata ay dumaranas ng isang bihira ngunit mapanganib na sakit na tinatawag na rhabdomyolysis. Ito ay isang kondisyon kung saan ang labis na pagkasira ng muscle tissue ay naglalabas ng toxins sa dugo, na maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa mga kidney.

Sa kanyang kaso, lumabas sa mga pagsusuri na bu­magsak na sa 50 percent ang kakayahan ng kanyang kidney na mag-filter ng dumi sa katawan. Kung hindi ito naagapan, maaaring humantong ito sa permanenteng kidney failure, sakit sa puso, o pagkamatay.

Sa kabutihang-palad, nagamot siya nang hindi na kinailangang sumailalim sa dialysis. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ligtas na siya mula sa peligro.

Ayon sa mga doktor, aabutin pa ng tatlong buwan hanggang isang taon bago siya tuluyang gumaling. Kailangan niyang sumailalim sa masusing gamutan at re­gular na pagpapatingin upang masigurong hindi na lalala ang kanyang kondisyon.

Dahil sa insidente, naglabas ng pahayag ang ospital upang bigyan ng babala ang publiko, lalo na ang mga mahihilig sa matinding physical activities. Bagaman may benepisyo ang regular na pag-eehersisyo, maaari rin itong magdulot ng mapanganib na komplikasyon kapag sobra at walang tamang gabay mula sa mga eksperto.

Hindi malinaw kung ano ang premyo sa pustahan ng binata. Pero sa halip na papuri at kasiyahan, isang taon ng gamutan at matinding pangamba sa kanyang kalu­sugan ang naging kapalit ng kanyang pagkakapanalo sa pustahan.

KIDNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with