^

Metro

Obrero kinatay ng mag-utol

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang construction worker ang pinagsasaksak hanggang samapatay ng magkapatid na lasing, na kanya ring kasamahan sa trabaho sa Quezon City.

Dead on arrival sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang biktimang si Benjie Villar Mirabite, 25, habang arestado naman ang isa sa  mga suspek na si Jaime Capoquian Lebrino, 47 Tugis naman ang isa pang suspek na si Viner, 40.

Ang biktima at mga suspek ay kapwa stayin ss kanilang trabaho sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa report ng Criminal Invetigation and Detection Unit ng Que­zon City Police District (CIDU-QCPD) bandang 6:30 ng gabi kama­kalawa nang maganap ang insidente sa banggit na lugar.

Nag-iinuman umano sa ikalawang palapag ng kanilang barracks ang magkapatid na suspek kasama ang testigo na si alias Gerry.

Ayon sa testigo, nang malasing ang magkapatid na suspek ay bumaba ang mga ito at nagtungo sa kanilang kuwartel kung saan nandoon ang biktima.

Ilang minuto lamang ay narinig umano niyang sumisigaw ang biktima ng “Tulong! Tulong! Pinagsasaksak ako!”

Dahil dito agad na bumaba si Gerry at doon ay nasilip niyang pinagtutulungan ng magkapatid na saksakin ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen subalit agad ding nasakote na nagresulta sa pagkakadakip kay  Benjie.

Inaalam pa rin mg pulisya ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with