^

Pang Movies

Alden, walang magiging pahinga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kasama sa lumabas na mild spoiler kahapon, bago ang announcement ng muling pagtatambalang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay ang pagbanggit na si Director Cathy Garcia-Sampana pa rin ng part 2 ng Hello, Love, Goodbye. So, mali ang tsika na hindi na si direk Cathy ang magdidirehe ng Kathryn-Alden movie dahil maka-Daniel Padilla si direk.

Hello, Love, Again na ang title at sa Canada ang location. Kaya ‘yung punta ni Alden sa Canada para sa Sparkle Goes to Canada 2, hindi na siya babalik ng Pilipinas, tutuloy na siya sa shooting.

Also, hindi pa man nagsu-shooting at kaa-announce pa lang, active na ang bashers niya. Bubuhatin na naman daw siya ni Kathryn na inalmahan ng fans ng aktor.

May mga nang-dare pa sa fans na hindi na kikita ang bagong movie nila dahil nega na raw si Kathryn ngayon sa fans.

Sa Nov. 13, 2024, ang release ng HLA.

May comment naman ang fans ni Daniel Padilla na maggagamitan sina Kathryn at Alden hanggang gusto nila. Huwag lang daw gamitin ang breakup nina Kathryn at Daniel sa promo.

‘Di ba, ang ingay na ng HLA ngayon pa lang at hindi matitigil ang ingay na ito kahit naipalabas na ang pelikula.

Jericho, Janine at Jodi, sanib sa bigating drama

Excited na ang Kapamilya fans sa balitang magsasama sa isang matinding drama series sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Jodi Sta. Maria. Ang Dreamscape ang producer ng series for ABS-CBN at isa sa kinatuwa ng fans, series ito ng Triple J dahil parehong sa letter J nagsisimula ang pangalan ng tatlo.

Ang gaganda ng comment ng netizens at may nagpasalamat pa sa ABS-CBN na naisip nilang pagsama-samahin ang tatlo. Hindi lang maiwasan na tila ayaw kay Janine dahil sina Jodi at Jericho lang daw ang magagaling. Bagay na inalmahan ng fans niya, mahusay rin daw ang anak ni Lotlot de Leon at nanalo na rin ng acting awards.

Nalaman namin na ‘yung ilang may ayaw sa kanya ay dahil hindi siya original ABS-CBN talents. Sa GMA Network kasi siya nagsimula at lumipat lang sa ABS-CBN, kaya lang, uso pa rin pala sa iba ang network war.

Speaking of Jericho, dumalo rin siya sa Cannes Film Festival at um-attend sa world premiere ng film ni Nicolas Cage na The Surfer.

Bianca, ni-nega ang passport-ID photo

Pinost ni Bianca Umali ang photo niya na sabi nito “passport-ID-peg.” Wala naman siyang sinabi na wala siyang light makeup sa photo, pero ang ibang netizens, kung makapag-comment.

May filter daw ang photo niya at may filler daw ang upper lip nito at may makeup ang mata at cheeks. Tapos may guhit daw ang eyebrow, naka-curl ang eyelashes at may slight lipstick. Kung anu-ano pa ang nakita ng netizens sa kanya.

Pero ang boyfriend na si Ruru Madrid, “Hi ganda!” lang ang sinabi, taob na ang mga nang-okray sa kanya.

Mas marami naman ang naka-appreciate sa ganda ni Bianca, panalo raw ang face card nito at hindi na niya kailangang mag-make up para makita ang kanyang ganda.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with