^

Dr. Love

Dahil janitress ang Gf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr Love,

Tawagin mo na lang akong Sixto, supervisor sa isang pabrika. Tampulan ako ng panunukso ng aking mga kasamahan sa trabaho dahil ang girlfriend ko ay isang janitress.

Aaminin ko na hindi siya maganda kundi maitim, mataba at pandak. Pero may nakita akong kakaiba niyang katangian na nagpatibok sa aking puso. Marahil ito ay ang kanyang pagmamalasakit at pagiging maalaga. Hindi n’yo naitatanong, guwapo ako at ‘yung dalawa kong naging jowa ay kasamahan ko rin sa trabaho. Pero nadiskobre ko na may ibang lalaki sa buhay nila kaya ko kinalasan. Minsan ay napipikon ako sa mga patutsada ng mga katrabaho ko. Komo boss nila ako ay ayaw kong magsimula ng gulo. Ano ang gagawin ko?

Sixto

 

Dear Sixto,

Talagang hindi dapat tumingin sa gandang panlabas lang. Ano mapapala mo sa maganda at sexy kung hindi naman tapat sa pag-ibig?

Huwag mong pansinin ang mga nanunukso. Buhay mo iyan at isa pa, kung makikipagbiro ka sa mga tauhan mo, dapat may limitation para hindi sumosobra ang pagbibiro sa iyo.

Huwag mong kalimutan na ikaw ang boss nila at deserve mo na respetuhin ka nila.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with