^

Dr. Love

Kay papa o mama sasama?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Salina. Ilang taon din akong umasa at nagtiis. Akala ko sa araw ng graduation ko ay magkikita kami ng papa ko.

Nagkamali si papa, alam namin ng kuya ko ang nagawa niya. Hindi niya sinabi agad kay mama na may ibang babae siya. Humihingi siya ng tawad kay mama pero hindi siya pinakinggan.

Kaya isang araw nagulat na lang kami na hindi na uuwi sa bahay namin si papa. Pinapipili kami ni mama kung kanino kami sasama.

Nagdesisyon kaming magkapatid na mag-stay kay mama. Pero hindi ibig sabihan na galit kami sa aming papa.

Alam ko na mahirap sa kalooban ni papa. Pero wala na siyang magawa, ayaw na siya makita ni mama. Kahit sa fb naka-block na siya. Pero kami tuloy pa rin ang communication namin kay papa.

Lumipas ang mga taon, first year college ako noon. After four years matagal kong hinintay na makasama si papa sa graduation ko. Pinalad ako na isa sa mga may award sa mga magtatapos.

Pero nasurpresa kami dahil bago pa lang ang graduation ko na-confine si papa. Umiyak ako noong graduation sa worry na baka hindi na kami magkita. Dinalaw namin siya sa ospital at kailangan pa rin niyang magpagaling. Matigas pa rin ang puso ni mama kahit mahina na si papa.

Salina

Dear Salina,

Congratulations! Alam kong mahirap para sa inyo ng kuya mo ang inyong sitwasyon ngayon, maging sa mama at papa ninyo. I encourage you na huwag kang magtatanim ng galit sa mama mo.

Ipagdasal mo na lumambot ang puso niya at matutuhan na patawarin ang inyong ama.

Ipagdasal din ninyo ang kalusugan ng inyong ama. Sa ngayon ang mahalaga ay maging matatag kayo at huwag din ninyong pababayaan ang inyong mama.

Maaari ka rin humingi ng tulong sa mga kamag-anak ninyo na matulungan ang inyong mama na tanggapin ang pagkakamali ng inyong ama. Magsama man silang muli o maaaring hindi na.

DR. LOVE

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with