^

Dr. Love

Mahal ko pa ba siya?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Andro, 31 anyos. Hindi ko matiyak kung mahal ko pa ang aking asawa. May dalawa na kaming anak sa loob ng limang taong pagsasama.

Ramdam ko’y naglaho ang feelings ko sa kanya dahil sa nakita kong pagbabago sa ugali niya.

Wala akong problema nang isilang niya ang panganay namin.

Maalaga siya at maasikaso sa aming anak. Nang isilang ang pangalawa, napilitan akong kumuha ng dalawang katulong.

Isang mag-aalaga sa aming bunso at isang aasikaso sa aming tahanan.

Ito’y sa kanya na ring kahilingan dahil pagod na raw siya. Napapansin ko rin na lagi siyang  kulang sa sigla ‘di tulad ng dati.

Darating ako mula sa trabaho na hindi man lang ako sasalubungin ng may ngiti.

Wala siyang ginawa maghapon kundi mag-computer games o kaya’y manood ng pelikula.

Ano gagawin ko?

Andro

Dear Andro,

Tinanong mo na ba siya tungkol sa pagbabagong napapansin mo sa kanya?

Mahalaga ang komunikasyon sa mag-asawa para maagapan ang ano mang problemang namumuo.

Malamang, nababagot siya sa bahay at tama lang na ikinuha mo siya ng katulong. Dapat sa inyo ay lumabas paminsan-minsan. Kumain sa labas, manood ng concert o pelikula.

Hindi dapat binuburo sa tahanan ang misis at talagang mabuburyong.

Tanungin mo siya kung ano ang mga bagay na ikalilibang niya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with