^

Dr. Love

Tantanan mo na

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

May isang taon ko nang nililigawan ang isang kaibigan, kahit maraming beses na niya akong binabasted. Naniniwala po kasi ako na walang hindi nakukuha sa tiyaga. Kaya kumpiyansa po akong makakamit ko rin ang kanyang matamis niyang oo.

Pero mukhang hindi po ganon ang nangyayari. Halos hindi na niya ako kausapin. Dati naman akong welcome sa kanilang bahay noong magkaibigan palang kami. Pero ngayon kapag dadalawin ko siya, laging sinasabi ng katulong nila na masakit ang ulo niya. Kapag tini-text ko naman siya ay hindi niya na pinapansin ang mga messages ko. At ang malala nito, binlock niya ako sa kanyang social media account. Kasunod noon ay ini-unfriend na niya ako.

Sa kabila ng lahat ay wala pa rin sa isip ko ang pagsuko. Kaya sa pamamagitan ng common friend ay pinadadalhan ko siya ng magagandang bulaklak at imported chocolates. Kaya lang, lahat ng pinadala ko ay ibinalik niya sa akin.

Dr. Love, ayaw kong sukuan siya. Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Ben

Dear Ben,

Kung paulit-ulit ka nang binasted to the point na ayaw ka na kausapin, walang duda na kinaiiritahan ka na ng nililigawan mo. Kaya wala kang ibang gagawin kundi tantanan na siya. Huwag mong ipilit ang iyong sarili kung inaayawan ka.

Kahit naman ikaw siguro ang lumagay sa katayuan ng nililigawan mo, siguradong maiinis ka rin dahil parang stalker na ang dating mo.

Humanap ka na ng ibang mapagbabalingan ng iyong atensiyon at damdamin. Nanghihinayang ako sa friendship ninyo na nasira. Sana’y matutuhan mo, now na…na respetuhin ang desiyon ng iyong nililigawan.

Itigil mo na ang panliligaw na matagal na niyang tinuldukan.

Dr. Love

BEN

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with