^

Dr. Love

Dominanteng bf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Bago pa lang kaming mag-on ng boyfriend ko ay nagpapakita na siya ng pagkadominante. Pinakikialaman niya ang lahat ng ginagawa ko pati na ang susuotin kong damit kapag luma-labas kami. Nung una ay nagpapasensya ako. Pero nang napuna kong sumusobra na siya, medyo naiirita na ako. Hindi bale sana kung masama ang mga choices ko, puwede niya akong pakialaman. Strong din ang personalidad ko at pinrangka ko siya. Sabi ko, kahit magkarelasyon kami, hindi siya dapat nanghihimasok sa mga choices ko.

Nang ihatid niya ako sa bahay ay hindi na kami nagkita. Ngayon, tinawagan niya ako at humihingi siya ng sorry. Dapat ko ba siyang patawarin?

Regine

Dear Regine,

Give him a second chance kung may damdamin ka pa sa kanya. Baka sakaling nagbago na siya. Pero kung babalik ang pagmamando niya sa iyo, makipag-break ka na at baka dalhin niya ang ganung ugali hanggang maging mag-asawa na kayo.

Dr. Love

DOMINANTE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with