^

Dr. Love

Kaibigang ahas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mayroon akong matalik na kaibigan simula pa nung kami ay high school pa lang. Higit pa sa magkapatid ang turingan namin pero hindi ko inaasahan sa dakong huli ay siya ang ahas na tutuklaw sa akin.

Tawagin mo na lang akong Matt, 39 anyos. Napakalapit namin sa isa’t isa ng kaibigan kong ito. Wala kaming inililihim sa isa’t isa. Biruan pa nga namin na we can share anything we have with each other puwera lang babae.

Mahabang panahon ang tinagal ng aming pagkakaibigan hanggang magkaroon ako ng girlfriend na buo na ang loob kong pakakasalan. Hindi ko alam na kursunada pala siya ng best friend ko.

Palihim niya nitong niligawan hanggang maging sila. Nakipag-break sa akin ang girlfriend ko dahil dito at ang pakikipagkaibigan ko sa taong itinuturing kong tunay na kapatid ay napalitan ng galit.

Kinuha pa nila akong best man sa kanilang kasal as if nilalait ang pagkalalaki ko. Tatlong taon na ang lumipas at nanghingi na ng sorry ang kaibigan ko at dating girlfriend, pero tumututol ang kalooban ko na magpatawad. Ano ang gagawin ko?

Matt

Dear Matt,

Ang galit ay parang lason na iniinom mo sa pag-aakalang mamamatay ang taong kinasusuklaman mo. Magpatawad ka sa kanilang dalawa para magkaroon ka ng kapayapaan.

Masuwerte ka dahil hindi kayo nagkatulu-yan ng dati mong girlfriend, na isang salawahan. Kung nangyari iyan sa panahong mag-asawa na kayo, mas masakit.

Kaya mag-move on ka na at ngayon pa lang, ipasya mo nang patawarin silang dalawa. Hindi man bumalik ang dati ninyong friendship, napatawad mo na siya for your own peace of mind.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

FRIENDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with