Hinagpis ng adopted child
Dear Dr. Love,
Hello po, Dr. Love, pakitago nalang ako sa pangalan Mimi, 25 anyos. Kursong Accountancy ang natapos ko.
Buong buhay ko, inakala ko na tunay akong anak ng aking mga kinilalang parents.
Ampon lang po pala ako at masakit malama nito. Para sana hindi ako nasaktan, maliit pa ako ay nagtapat na sila sa akin.
Siguro kung batid ko ito mula pa sapagkabata ay matatanggap ko ito.
Nang malaman ko ito, inusisako ang magulang ko. Gusto kong malamanang totoo kong magulang at haharapin ko sila, pero sabi ng parents ko, sabay silang namatay sa isang car accident.
Nakatakda na kaming magpakasal ng aking kasintahan nang malaman ko ang isang masakit na katotohanan, dahil sa buong buhay ko’y inakala ko ng tunay akong anak ni papa at mama, dahil sa espesyal nilang pagtrato sa akin.
Pinag-aral ako sa exclusive school at lahat ng layaw ko ay sinunod. Solo ng anakl ang ako.
Nagpapasalamata ko sa aking mga magulang sa ginawa nilang pag-aarugasa akin ngunit masakit sa aking kalooban ang ginawa nilang pagtatakip sa katotohana ng hindi nila ako tunay na anak.
Ano ang maipapayo mo sa akin?
Mimi
Dear Mimi,
Napaka palad mo, Mimi. Sa dinami-rami ng mapipili ay ikaw ang ipinasyang ampunin at ituring na tunay na anak.
Kung pinaglihiman ka man nila, iyan ay bahagi ng pagturing nila s aiyo bilang tunay na dugo at laman. Ayaw nila ng ituring kalang na isang ampon. Dakila ang kanilang layunin kaya kung kasalanan man sa paningin mo ang ginawa nila, patawarin mo na sila.
Huwag kang magtanim ng hinanakit sa mga taong nagmahalsaiyo ng higit pa sa pag mamahal ng magulang sa tunay nilang anak.
Alalahanin mo na kung ano kayo ngayon ay dahil sa kung paano ka inaruga at pinahalagahan ng mga kinikilala mong magulang.
Kaya kung ako sa’yo sa halip na sama ng loob ay mahigpit na yakap ang ibigay mo sakanila ngayong nalaman mo na kahit adopted child ka ay love kanila.
Dr. Love
- Latest