^

Dr. Love

Hindi rehistrado ang kasal

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Oliva, 34-anyos at ang problema ko ay tungkol sa asawa kong nakisama sa ibang babae at inabandona ako at ang aming anak. Humingi ako ng payo sa kaibigan kong abogado.

Sabi niya ay puwede kong idemanda ng concubinage ang asawa ko. Nang malaman kong ikinasal sila ng babaeng kinakasama niya, sabi ng abogado ko ay puwede siyang idemanda ng bigamy. Pero may problema. Bagamat alam ko na kasal kami ng mister ko, nang kumuha ako ng kopya ng kasal namin, hindi pala nakarehistro.

Palagay ko kinasabwat ng asawa ko ang minister na nagkasal sa amin para huwag marehistro ang kasal. Ano gagawin ko?

Oliva

 

Dear Oliva,

Isang krimen din ang hindi pagpaparehistro sa kasal kaya sa kasong iyan, pati ang officiating minister ay puwede mong ihabla.

Kumplikado ang problema mo dahil ikaw pa ang lumalabas na hindi lehitimong asawa.

Palagay ko, kung hawak mo ang original na marriage contract ay puwede kang magdemanda. Malamang alam na ng abogado mo ang dapat gawin.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with