^

Dr. Love

‘Di komportable sa barkada ng bf

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Kristine, 24-anyos, isang simpleng babae at dalawang taon nang in a relationship. Mahal ko po ang bf ko at ramdam kong mahal din naman niya ako. Masaya kami pero may isang bagay po na hindi makayanan—ang mga barkada niya.

Hindi ko po alam kung ako lang ba ang may problema o sadyang mahirap lang talaga silang pakisamahan. Palabiro po sila, pero minsan po ay bastos na. May mga hirit silang hindi ako komportable, minsan parang pinaparamdam nila na hindi ako belong. 

Nahihiya na po ako sa sarili ko, kaya tuwing kasama sila ay tahimik lang ako. Pero kapag hindi ko sila sinasamahan, nagtatampo naman ang bfd ko at sinasabi niyang hindi ko raw tinatanggap ang buong pagkatao niya.

Dr. Love, gusto ko naman po maintindihan sila, pero paano kung paulit-ulit na lang akong nasasaktan at hindi ako makagalaw ng maayos kapag kasama sila? Ayoko rin po dumating sa puntong ako ang dahilan ng paglalayo nila sa isa’t isa. Pero paano ko po haharapin ang ganitong sitwasyon? Mali ba ako kung umiwas na lang?

Kristine

Dear Kristine,

Hindi madali ang makihalubilo sa barkada ng bf mo, lalo na kung iba ang kanilang ugali sa kinagisnan mo. Pero tandaan mo, hindi mo obligasyong ipilit ang sarili mo kung hindi ka kumportable—lalo na kung may hangganan nang natatapakan.

Ang bf mo ang dapat na una mong makausap. Iparating mo sa kanya ang nararamdaman mo—hindi para papiliin siya, kundi para maintindihan ka niya. Kung tunay ang pagmamahalan n’yo, tutulungan ka niyang makahanap ng balanse—ang lugar kung saan may respeto, pag-unawa, at espasyo.

Sa huli, hindi mo kailangang pakisamahan ang lahat—pero kailangan nilang matutong rumespeto sa’yo kung mahalaga ka sa taong mahal mo.

Ang pag-ibig ay hindi lang sa pagtiis, kundi sa pagtutulungan para umayos ang lahat.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with