‘Ander de saya’
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Onak, 27-anyos, may asawa’t isang anak. Maganda at malaki ang sahod ko bilang chief accountant at nakapagpatayo ako ng magandang bahay at nakabili ng kotse.
Masakit mang aminin, “ander de saya” ako ng misis ko.
Ang problema ko, natanggal ako sa trabaho dahil sa issue ng nawawalang pera ng kompanya. Chief accountant, ako at pinapanagot sa nangyari.
Sabi ng CEO namin, mag-resign na lang ako para hindi na ako idemanda.
Wala akong separation benefit at mabuti at may savings ako sa bangko na P7 milyon. Pero hanggang saan aabot ito?
Kapag nalaman ng misis ko ang tungkol dito, tiyak na unlimited tatalakan ‘to.
Ano ang gagawin ko?
Onak
Dear Onak,
Ano’ng klaseng babae ang asawa mo na imbes na damayan ka sa iyong problema ay tatalakan ka pa? Magpakalalaki ka at matutong mangatuwiran.
Ang pagiging under ay hindi tanda ng pagmamahal, kundi kahinahan mo bilang asawang lalaki.
Kung wala kang kasalanan sa nawawalang pera ng kompanya, walang dapat ipag-alala. I’m sure makakakita ka rin ng bagong trabaho.
DR. LOVE
- Latest