^

Dr. Love

Magtulungan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Norie Facundo, 22-anyos, dalaga pa. Isa lamang akong market vendor at sa awa ng Diyos, dahil sa pagsisikap at pagtatrabaho ng patas ay malapit ko nang matapos ang kurso ko sa computer science.

Ulilang lubos na kasi kaming magkapatid at pareho kaming tumatao sa aming munting grocery sa isang palengke dito sa aming lugar. Halinhinan kami.

Kapag oras ng aking pasok ay siya ang tumatao at kapag oras ng kanyang pasok ay ako naman. Pareho kasi kami ng kuya ko na pursigidong makatapos. Mauuna akong matapos sa kanya dahil hindi siya nag-full-load. Kaya kung tutuusin, utang ko sa kanya ang lahat kapag nakapagtapos ako ng kurso.

Ang pakiusap lang niya ay huwag muna akong mag-aasawa at hintayin ko siyang maka-graduate. Dalawang taon pa kasi siya sa kursong accountancy.

Kaso, pinipilit ako ng boyfriend ko na magpakasal na sa sandaling maka-graduate kami. Lalabag ba ako sa gusto ng kapatid ko?

Lorie

Dear Lorie,

Siguro naman ay mauunawaan ka ng boyfriend mo kung ipaliliwanag mo ang situwasyon. Malaki ang sakripisyo ng iyong utol kaya dapat tulungan mo rin siya. Isipin mo, paano ang inyong negosyo na tumutustos sa inyong pag-aaral kapag nag-asawa ka na?

Kung hindi papayag ang boyfriend mo na maghintay ng kaunti, wala siyang kuwentang lalaki.

Dr. Love

vuukle comment

ANG

DALAWANG

DEAR LORIE

DIYOS

DR. LOVE

HALINHINAN

ISA

ISIPIN

KAPAG

NORIE FACUNDO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with