Hinagpis ng gay
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Rico, isang gay at 26-anyos. Mayroon akong boyfriend na karelasyon ko for the last 2 years.
Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Lahat ng luho niya ay nasusunod sa akin.
Pero nitong mga nakalipas na araw ay may nahalata akong pagbabago sa kanya. Laging matamlay at tamad makipag-usap sa akin.
Nang usisain ko siyang mabuti, nagtapat siya. Mayroon siyang naging girlfriend at gusto na niyang makipagkalas sa akin.
Aniya hindi raw siya puwedeng magkapamilya sa akin dahil pareho kaming lalaki.
Galit ang nadama ko sa kanya at pinalayas ko siya sa tinitirhan namin. Umalis siya pero dinamdam ko ito.
Paano ko maiaalis ang sakit na nadarama ko?
Rico
Dear Rico,
Harapin mo ang katotohanan. Ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki. Kung mayroon man mga lalaking pumapatol sa bakla, madalas ay dahil lang sa pinansiyal na naibibigay ng bakla sa kanila.
Natutuwa ka ba sa ganoon na ang pagmamahal ng boyfriend mo ay tinutumbasan lang ng materyal na bagay?
Sadyang darating ang punto na ang isang lalaking may ka-live-in na bading ay mamumulat sa katotohanan at hahanap ng babaeng mamahalin. Isang babaeng puwede siyang bigyan ng mga anak.
Kahit magpa-sex change ka, lalaki ka pa rin dahil ganyan ka nilikha ng Dios.
Dr. Love
- Latest