^

PSN Palaro

E-Painters pinintahan ang Bolts

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
E-Painters pinintahan ang Bolts
Tinirahan ni Leonard Santillan ng Rain or Shine si Raymond Almazan ng Meralco.
PBA IMAGE

MANILA, Philippines — Lalong pinasadsad ng Rain or Shine ang reig­ning champion na Meralco matapos ang 128-116 dominasyon kahapon sa 2025 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Sumandal ang Elasto Painters sa 36-23 birada sa second quarter upang kaldagin ang Bolts na nalasap ang ikatlong sunod na panalo nito upang malaglag sa 2-3 kartada sa tangka nitong madepensahan ang korona.

Balanseng atake ang pinamalas ng Elasto Pain­ters upang masilat ang Bolts sa pangunguna ng 27 puntos ni Santi Santillan sahog pa ang 7 rebounds, 2 assists at 3 tapal.

Nagmartsa sa duwelo ang ROS na wala sina Ketih Datu, Beau Belga, Caelan Tiongson at Shaun Ildefonso subalit nagawa pa ring silatin ang defending All-Filipino kings.

Umalalay para sa mga bataan ni coach Yeng Guiao sina Gian Mamuyac at Adrian Nocum na may tig-24 puntos habang may 13, 12 at 10 puntos sina Felix Pangilinan-Lemetti, Gabe Norwood at Jhonard Clarito, ayon sa pagkakasunod.

Abante lang ng 66-59 ang ROS sa halftime bago apulahin ang kuryente ng Bolts sa second half kung saan sila lumamang ng hanggang 20 puntos tungo sa bigating tagumpay.

Talon ngayon ang ROS sa 2-1 kartada matapos din ang unang 113-96 panalo kontra sa kapwa Commissioner’s Cup semifinalist na NorthPort bago ang PBA break para sa Semana Santa upang mabilis na maiganti ang 109-95 debut loss kontra sa NLEX.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with