Leni Robredo kinilala tulong ni Erwin Tulfo sa mga Bikolano

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni dating vice president Leni Robredo si Senatorial candidate Erwin Tulfo dahil sa tuluy-tuloy na pagtulong nito sa Bicol, partikular na sa Naga, at sa maaasahang pakikiisa nito sa Angat Buhay Foundation Inc., lalo na noong panahong siya ang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bumisita si Tulfo sa tahanan ni Robredo sa Naga nitong Sabado, matapos ang kanyang market tour sa Naga People’s Mall, kung saan mainit siyang sinalubong ng mga residente.
Binalikan ni Robredo ang mabilis na pagtugon nina Tulfo at ng ACT-CIS Partylist nang dumaan ang Bagyong Kristine noong 2024, kung saan nagbigay sila ng 2,000 sako ng bigas at P1 milyon cash assistance para sa mga nasalanta.
Ani Robredo, “Noong Secretary pa si Erwin ng DSWD, napakalaking tulong niya sa Angat Buhay. In fact, nabisita ko siya sa opisina niya sa DSWD, maganda yung synergy ng Angat Buhay sa DSWD kasi kami ‘di ba, anti-poverty rin?”
Sabi ni Cong. Erwin Tulfo, “We really appreciate that na-appreciate ni VP Leni ang ginawa natin noon. Since then, I believe that this is the best practice: Huwag ka tumingin sa kulay. Kasi kapag tumingin ka sa kulay, walang mangyayari, kawawa, may maiiwan. Kailangan, tingnan mo ang lahat. At the end of the day, we are all Filipinos so we need to set aside political colors.”
- Latest