^

Dr. Love

Worried na ipinagpalit sa lalaki

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mia, at nais ko po humingi ng payo tungkol sa sitwasyon ko ngayon. Mahal na mahal ko po ang boyfriend kong si Adrian. Pero lately, hindi ko maiwasang magduda dahil sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Ang sabi nila, baka raw hindi ako ang totoong mahal ni Adrian, at baka lalaki raw ang tunay niyang gusto.

Pinagtatanggol ko po siya, dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Pero may mga pagkakataon din po na hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kung tama sila? Paano kung isang araw, ipagpalit niya ako sa isang lalaki? Pinanghahawakan ko po ang pagmamahalan namin, pero natatakot din akong masaktan.

Ano po kaya ang dapat kong gawin? Dapat po ba makinig ako sa kanila? O dapat ko bang pagtkaiwalaan ang pagmamahal ni Adrian at ang nararamdaman ko para sa kanya?

Mia

Dear Mia,

Naiintindihan ko ang feelings mo—mahirap magduda, lalo na kung tungkol ito sa taong mahal mo. Pero narito ang ilang bagay na maaari mong pag-isipan: Mag-usap kayo ni Adrian ng bukas at tapat. Hindi mo kailangang sabihin na pinagdududahan mo siya, pero maaari mong ilahad ang nararamdaman mo—ang takot at ang pagmamahal mo para sa kanya. Pakinggan mo rin ang kanyang sagot, dahil ito ang pinakamahalaga sa inyong relasyon.

Alamin mo kung ang sinasabi ng iyong mga kaibigan ay may basehan. Ang mahalaga ay ang tiwala mo kayi Adrian. Mahal mo siya, pero huwag mong kalimutang mahalin ang sarili mo. Ang pagmamahal ay dapat magdala ng kasiyahan at kapanatagan. Kung lagi kang nababagabag, tanungin mo ang sarili mo kung ito ba ang tamang relasyon para sa iyo.

Lahat ng relasyon ay may mga hamon. Ang mahalaga ay kung paano ninyo ito haharapin, magkasama man o magkaiba. Kung sakaling totoo ang takot mo, tandaan mo na minsan, ang pagtatapos ay simula ng bagong pagkakataon.

Ikaw lamang ang makakapagdesisyon kung ano ang nararapat sa inyong relasyon, pero ang pagmamahal ay laging mas maganda kapag ito’y puno ng tiwala.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with